Katatapos lang basahin nung isang gabi. Isang daang mga maiikling kwento na dapat sana ay 365 (Bale kung trip mong basahin ng buong taon,isa kada araw. Pero kaya mo namang tapusin yun ng isang upuan o higaan.Kung san ka komportable). Marami akong natutunan (kalokohan) at maganda ang mga storya na kahit na maikli ay buo. Hindi bitin (konti lang!).
Natuwa ako kase may blurb ang prof ko sa Filipino last sem sa libro. Joselito delos Reyes. Dalawang beses syang pina-tenkyu ni Eros. Cool.
Unang nobelang babasahin ko ngayong 2012. Tungkol daw to sa kabaklaan,manananggal at kay Amapola (na ang katangian ay ang dalawang nabanggit).
Natupad ang wishlist ko sa exchange gift nameng magkakabarkada.
Katatapos ko lang mabasa ang dalawang librong to(last year,December). Yung dilaw na libro na lang ni Bob Ong ang hindi ko nababasa.
Bagong librong mababasa. Uumpisahan ko ang pagbabasa ng comic book series na Trese. Super astig kase ng cover at super curious na talaga ako sa storyline neto. At hindi ako nagkamali sa pagbili nito. Pero yung kay Tado, taragis. Mukang maling desisyon to a. Hindi ko pa nababasa pero naaawa na agad ako sa sarili ko. Tado naman o.
Lumayo ka nga sa Akin!
Bob Ong
Astig! Nagtingin tingin lang ako ng mga libro sa National Bookstore sa may gilid ng St. Benilde sa Vito Cruz, ibaba ng condo ng blockmate ko na malapit sa main campus ng De Lasalle University. Basta dun. Kumpleto ang Branch na yun, sa San Lazaro (SM) kase hindi e. Ni wala nga akong makitang Bob Ong books dun e. Nakita ko rin sa branch na yun yung Si Amapola sa 65 na Kabanata ni Ricky Lee. Next time na yun.
Di ko muna to babasahin dahil may hindi pa ko natatapos, A Christmas Carol. Nalalapit na ang malufet na test dun. Help me.
Super Panalo Sounds!
a novel
Lourd Ernest H. De Veyra
Ang una niyang nobela. WASAK! Tungkol sa rakrakan at droga. Rakrakan as in, rock and roll! Baka isipin mong redundant o isa lang ang sinabi ko. Pero pwde ring yang iniisip mo (kung iniisip mo nga yun) na rakrakan as in bato, as in shabu equals droga. Nuff said.
Malapit ko na matapos, baka kung nasa wikang tagalog lang to e isang upaan lang kahit more than 100 ang pages.
Wala na kong masabi, wasak na.
Meth? anyone?
Taguan-Pung
koleksyon ng dagling kathang di pambata
at
Manwal ng mga Napapagal
kopi teybol dedbol buk
ni
Eros Atalia
Sa wakas, nabili ko rin ang unang libro ni Eros. At nag-aabang na lang ako sa mga bookstore para sa bago nyang launch na libro. Panalo!
Sorrowful Sorrowful Mysteries!
kikomachine no. 7
Manix Abrera :)
I can’t breathe! OHMAY! Excited na kong mabasa to agad agad, kaso ala pa kong time. Baka mabitin lang ako. Dumayo pa kong Pandayan Malolos Branch para lang bilhin to. Ala kase sa National Bookstore.
Rating: (kahit di ko pa nababasa) Hindi ko to ipapahiram sayo! Bumili ka ng kopya mo! Sabi nga ni Lourd, “bawal magshare” LELS
To Kill an Angry Bird
Arnel Aquitania
Lahat yata ng makakakita neto papasok agad sa isip ang ‘To Kill a MockingBird’ . Pero hindi ‘to parody nun. Katulad ng Angels and jejemons na akala ko ding parody ng angels and demons. Swabe magkwento si Arnel. May pagka-pilosopo at nagdudunung-dunungan kung minsan (sabi niya sa libro yon).
Hindi ko pa to natatapos, baka bukas tapos ko ng basahin.
Rating: OKS
Arnel Aquitania’s
Angels and Jejemons
Katatapos ko lang mabasa kanina. May humor naman siya. At ayokong icompare siya kay Bob Ong . Halos lahat kase ng libro na nagkaron lang ng konting sense of humor e ginagaya daw si Bob Ong. Lahat ng tao may humor at paraan ng pagsusulat tulad ni Aquitania.
Rating: ipapahiram ko to sa iba kong kaibigan.
INSECTISSIMO!
Lourd Ernest H. De Veyra
Compilation ng mga tula ni Pareng Lourd (close kame e, bat ba?) Sa mga babasa, balaan ko na kayo. Isabay nyo sa pagbili ng libro ang tissue paper dahil talagang dudugo ang ilong nyo sa mga deep na ingles na ginamit ni Lourd. (ako na hindi magaling sa English!) Last week ko pa to nabili. Pero hindi ko pa matapos. Daming ginagawa e.
Rating: WASAK
Ngayon ko lang nabili itong Kiko Machine no.6
Rak en Rol!
(May plastik pa. opps! Bawal hingahan!)
Finally nakabili rin ako. Alam kong worth it to kase collection ito ng essays ng nag-iisang Lourd de Veyra!
This is a Crazy Planets